banner

NAGTAGAAN ANG DALAWA? 2 lalaking magtiyuhin, patay matapos magtagaan sa Negros Oriental



Nasawi ang dalawang lalaking magtiyuhin matapos silang magtagaan sa Bais City, Negros Oriental.

Batay sa imbestigasyon, may dala-dalang dalawang itak ang suspek at sumugod at nag-amok sa bahay ng kaniyang pinsan.

Lumabas ang kaniyang tiyuhin upang umawat pero inundayan ito ng taga ng suspek.

Sugatan ngunit naagaw ng biktima ang isang itak, bago gumanti ng taga na ikinamatay ng suspek.

No comments:

Powered by Blogger.