NAGALIT AT NANAPAK? Estudyante, sinapak ang teacher niyang di siya binigyan ng perfect score
Sinapak ng isang grade 11 student ang kaniyang guro dahil hindi umano siya binigyan ng perfect score sa midterm exam.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa isang paaralan sa bansang Thailand noong Agosto 5 nang matanggap ng naturang estudyante ang 18/20 na score sa exam.
Dahil sa nakuhang score, tinanong ng estudyante ang kaniyang guro kung bakit hindi perfect ang nakuha niyang score.
Ayon sa guro, tama naman daw ang mga sagot ng estudyante ngunit wala raw itong computation o solution na nire-require sa tanong. Sinabihan pa niya ang estudyante na magtanong at komunsulta sa iba pang guro patungkol sa pamantayan ng pagmamarka.
Kumunsulta naman daw ang estudyante at nakakuha ng parehong paliwanag mula sa ibang mga guro. Pagbalik nito sa classroom nagsabi siya sa kaniyang guro na taasan na lang ang kaniyang score.
Ang hindi pagpayag ng guro ang naging dahilan kung bakit nag-amok umano ng estudyante at umalis.
Nakita sa CCTV footage sa loob ng classroom, matapos ang ilang minuto bumalik ang estudyante at inatake ng suntok sa mukha ang guro sa harap ng mga kaklase niya.
Bukod sa suntok, pinalo pa nito ng upuan ang guro.
Nagtamo ang guro ng pasa sa kaliwang mata, namaga ang ulo at tadyang nito.
Samantala, naghain ng reklamo ang guro noong Agosto 8 laban sa estudyante.
Humingi na rin ng pasensya ang mga magulang estudyante at nasuspinde ang grade 11 student.
No comments: