banner

Dinaan sa suntok! Basketball player napikon at biglang binasag panga ng kalaban



Duguang inilabas mula sa basketball court ang manlalaro ng Mindoro Tamaraws matapos siyang sapakin ng center player ng GenSan Warriors sa kanilang bakbakan sa Batangas City Coliseum.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente sa kalagitnaan ng laban ng dalawang koponan sa kasagsagan ng 3rd quarter. 

Sa nagkalat na clip ng nasabing laban, mapapanood ang biglaang pagpapakawala ng pwersahang suntok ni Michole Sorela ng GenSan na direktang tumama sa panga ni Jonas Tibayan ng Mindoro.

Agad na bumulagta sa court si Tibayan habang mabilis namang na-eject mula sa laro si Sorela.

Ayon pa sa mga ulat, nagtamo ng concussion, basag na panga at putok na labi si Tibayan na tinatayang nanatiling nakabagsak sa basketball court bago siya agad na naisugod sa ospital.

Samantala, kinondena na ng pamunuan ng liga ng Maharlika Basketball League (MPBL) ang nangyaring marahas at madugong insidente. Bunsod nito, pinatawan ng ₱200,000 na multa si Solera at lifetime ban mula sa naturang liga.

“We condemn the incident and the MPBL won’t tolerate such actions. It compromises player’s safety and taints the league’s image,” anang MPBL.

Hindi pa tukoy ang motibo ng pananapak ni Solera, habang wala pa ring inilalabas ang kampo ni Tibayan kung magsasampa sila ng kaso dulot ng nangyaring insidente.

No comments:

Powered by Blogger.