banner

GINANTIHAN ANG GURO? Estudyanteng lumagapak ang grado, itinumba teacher na nambagsak sa kaniya



Dead on the spot ang isang 34 taong gulang na guro matapos siyang barilin ng sariling estudyante malapit sa kanilang eskuwelahan sa Lanao Del Sur.

Ayon sa mga ulat, napag-alamang isang 20-anyos na grade 11 student ang pumaslang sa biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang kaniyang bagsak na grado mula sa biktima ang mismong motibo ng suspek sa pamamaril.

Hindi raw kasi makakapag-enrol para sa Grade 12 ang suspek bunsod ng ibinigay na grado ng biktima.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek matapos siyang isuko ng kaniyang kapatid. Sinubukan pa raw magtago ng suspek sa kanilang mga kaanak ngunit kalaunan ay nakumbinsi siya ng kaniyang kapatid na sumuko sa mga awtoridad.

Positibo namang kinilala ng mga nakasaksi ng krimen ang pagkakakilanlan ng suspek. Pag-amin ng suspek, masama raw ang kaniyang loob sa naturang guro kaya niya nagawa ang krimen.

Ilang guro na rin daw ang nangangamba sa kanilang seguridad matapos mapag-alamang ibinagsak din nila sa kanilang mga subject ang suspek.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

No comments:

Powered by Blogger.