SOBRANG LASING? 38-anyos na magsasaka, patay matapos saksakin ng sariling ama sa Ilocos Sur
Ayon sa imbestigasyon, kagagaling lamang ni Zaldy sa isang inuman sa bahay ng kapitbahay nang sumiklab ang mainitang pagtatalo sa pagitan nila ng kanyang 65-anyos na ama na si Johnny.
Sa gitna ng tensyon, sinakal umano ng biktima ang kanyang ama na agad namang bumunot ng patalim at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang kanyang anak sa bandang tiyan. Agad dinala si Zaldy sa ospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Samantala, agad namang nadakip ng mga awtoridad si Johnny at kasalukuyang nahaharap sa kasong parricide.
No comments: