NAGWALA AT NAMARIL? 5 katao patay mula sa walang habas na pamamaril ng isang lalaki sa palengke, suspek patay rin!
Isang lalaki ang walang habas na namaril sa isang palengke sa Thailand. Naganap ang karumal-dumal na insidente sa Or Tor Kor Market sa Chatuchak District ng Bangkok. Kinilala ang suspek bilang isang 61-anyos na dating security guard.
Batay sa ulat ng NNT - National News Bureau of Thailand sa Facebook, gumamit umano ng "handgun" ang suspek.
Namaril at nakapatay ang armadong suspek ng 4 na security guard at isang vendor. Dalawang iba pa ang sugatan mula sa pamamaril. Matapos gawin ang krimen ay kinuha umano ng suspek ang sarili niyang buhay at binaril ang sarili.
No comments: