Pwedeng Makulong? Imburnal Girl posibleng imbestigahan matapos ang kanyang pag amin na siya ay nagbibisyo
Posibleng imbestigahan ang babaeng nag-trending matapos itong makita na lumalabas sa isang imburnal sa Makati at makatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa isang source, alam na umano ng mga nasa ahensya ang ginawang pag-amin ni Rose o mas kilala bilang si 'Imburnal Girl' na siya ay nagbibisyo.
Matatandaang ibinahagi ni Rose sa vlogger na si 'Boss Toyo' na siya ay nagbibisyo ngunit nilinaw niya na hindi naman araw-araw.
Marami umano sa ahensya ang nadismaya dahil baka masayang lamang ang ibinigay nilang tulong kay Rose na nakatanggap ng P80,000.
Balak pa sanang gawing ambassador ng nasabing ahensya si Rose ngunit agad silang nagdesisyon na hindi na ito ituloy matapos ang kanyang pag-amin.
No comments: