HARAPANG NINAKAW? Speaker na ginagamit sa Misa, tinangay ng kawatan mula sa compound ng simbahan



Nahuli-cam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa bluetooth speaker mula sa compound ng isang simbahan sa Valladolid, Negros Occidental.

Sa CCTV ng Our Lady of Guadalupe Parish makikita ang kawatan na naglalakad sa labas, bago pumasok sa isang gusali sa compound ng simbahan.

Nagmasid-masid ang lalaki sa loob.

Sa kaniyang paglabas, may dala-dala na siyang bluetooth speaker.

Nahagip din sa CCTV ang pagtakas ng kawatan gamit ang motorsiklo na walang plaka.

Nanawagan ang pamunuan ng simbahan na iulat sa mga awtoridad kung sino ang nakakakilala sa salarin.

Ayon pa sa kanila, ginagamit ang speaker para sa mga Misa sa simbahan.

No comments:

Powered by Blogger.