PINAGTULUNGANG BUGBUGIN? Nakunan sa CCTV ang Binatilyo sa Iloilo na ginulpi nang dahil sa pakikipaghiwalay sa nobya
Nahuli-cam sa Sta. Barbara, Iloilo ang pananakit ng ilang kalalakihan sa isang 17-anyos na binatilyo sa gitna ng kalsada.
Sa ulat ni Kim Salinas ng GMA Regional TV sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente noong Lunes ng hapon.
Natigil lang ang pananakit sa binatilyo nang mayroon nang umawat at nagtakbuhan ang mga suspek.
Sa imbestaigayon, sinabi ni Police Captain Raphy Seneres, hepe ng Sta. Barbara Police, na inihayag ng biktima na may isa siyang kasama pero siya lang ang pinuntirya ng grupo.
Inaalam ng pulisya kung napagtripan lang ba ang binatilyo, o kung may kinalaman sa insidente ang pakikipaghiwalay ng biktima sa dati niyang nobya.
"Ang nakuha nating information na parang grupo ng babae ang grupo na nanuntok sa minor [na biktima]," sabi pa ni Seneres.
No comments: