PINAGBABARIL SA LOOB! Negosyante, patay matapos barilin sa kaniyang tindahan sa Ilocos Sur



Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng isang suspek sa kaniyang tindahan sa Santa, Ilocos Sur. Ang suspek, bumili at pinagbentahan pa ng anak ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, gabi noong Linggo nang bumili sa tindahan ang salarin at pinagbentahan pa ng isang anak ng biktima.

Pero minamanman na pala ang salarin ang biktima. 

Nakakuha ng tiyempo ang salarin at pinagbabaril ang biktima nang maglakad ang negosyante malapit sa kaniyang kinauupuan.

Kaagad na nasawi ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

No comments:

Powered by Blogger.