Namaril Bigla! Lalaki sugatan nang barilin dahil lang umano sa masamang tingin
Isang lalaki ang sugatan matapos siyang barilin dahil umano sa masamang tingin sa Rodriguez, Rizal.
Ngunit ilang saglit lang, isang lalaki ang bumubunot na ng baril mula sa kaniyang bag.
Hindi na nakunan sa CCTV ang mga sumunod na insidente, pero binaril na pala niya ang 21-anyos na lalaki na nakatinginan umano niya nang masama.
Batay sa pulisya, nagkainitan na ang suspek at biktima bago ang pamamaril.
“Nagkatinginan sila nang hindi maganda at 'yung suspek ay pinagbantaan itong biktima na babarilin daw ‘di umano. So, siya naman umuwi, kumuha siya ng baril niya, 'yung suspek,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Paul Sabulao, hepe ng Rodriguez, Rizal Police.
No comments: