KITA SA CCTV! Motorcycle taxi rider at angkas, tumilapon nang mabangga ng naka-motorsiklong menor de edad
Nahuli-cam ang pagtilapon ng isang motorcycle rider at kaniyang angkas matapos silang mabangga ng isa pang motorsiklong minamaneho ng isang menor de edad sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.
Ilang saglit pa, biglang sumulpot ang isa pang motorsiklo na mabilis ang takbo at nasagi sila. Tumilapon ang mga biktima habang tumakas ang mga nakabangga.
Sa isa pang anggulo ng CCTV, makikitang kumanan sa Upper Banlat Road ang mga nakabangga, na sandaling tumigil bago nagpatuloy sa pagtakas at dumiretso papunta sa Australia Street.
No comments: