NAGWALA SA BAR? 2 opisyal ng LTO, nanampal at nanipa matapos tanggihan ng babaeng singer na lumapit sa kanila
Pinatatanggal sa puwesto ang dalawang kawani ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 matapos silang mahuli-cam na nanampal at nanadiyak ng menor de edad nang tumanggi ang kasamahan nitong babaeng singer na lumapit sa kanila sa Tuguegarao, Cagayan.
Ilang saglit lang, bigla nang sinapak at tinadyakan ng dalawang lalaki ang lalaking nakaupo, kaya itinigil ang tugtugan.
Batay sa kuha ng CCTV, isang babae ang tila umawat sa komosyon ngunit nahila ang kaniyang buhok.
Sinabi ng mga saksi na 15-anyos ang menor de edad na biktima, habang nasaktan din umano ang isa pang lalaking katabi niya, ngunit hindi nahagip sa video.
No comments: