NAGSUNTUKAN SA KALSADA? Kawani ng Lapu-Lapu City Hall, nasangkot umano sa road rage
Nahuli-cam sa isang kalsada sa Lapu-Lapu City, Cebu ang suntukan at paluan ng dalawang rider. Ang isang rider, nakasuot ng uniporme para sa mga kawani ng naturang lokal na pamahalaan.
Parehong bumaba sa kanila-kanilang motorsiklo ang dalawang rider at nagkapisikalan. Ang rider na nakasuot ng uniporme ng city hall ng Lapu-lapu, makikitang may hawak pang pamalo.
Natigil din ang away nang pumagitna ang mga kasama nilang babae.
Sa panayam, kinumpirma ni Atty. Danilo Almendras, city administrator, na kawani nila ang isang rider na sangkot sa insidente na kumalat na rin sa social media.
No comments: