KITA SA VIDEO! Taong-grasa,' nahuli-cam na nag-aagaw ng pagkain ng nananapak ng mga tao sa Consolacion, Cebu
Nahuli-cam sa Consolacion, Cebu ang eksenang ginawa ng isang lalaking "taong-grasa" o palaboy, nangunguha ng pagkain sa tindahan. May mga tao rin siyang sinuntok na kaniyang nadaanan.
Nang makarating sa kaalaman ng lokal na pamahalaan at pulisya ang insidente, kaagad na isinagawa ang pagsagip sa lalaki sa Barangay Pulpugan upang mabigyan ng atensyong medikal.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Eunil Avergonzado, hepe ng Concolacion Police, nabigyan ng municipal health office ng pampakalma ang lalaki upang sumama ito sa kanila nang maayos at madala sa municipal social welfare department.
No comments: