NABOKYA SA DAGAT! 5-anyos na babae, patay matapos madikitan ng box jellyfish sa Quezon
Nasawi ang isang batang babae na limang-taong-gulang matapos madikitan ng nakakalasong box jellyfish sa beach resort sa Buenavista, Quezon.
Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Martes, sinabing naliligo sa dagat ang biktima kasama ang tiyahin nang madikitan siya ng nakamamatay na dikya sa braso at kamay.
Binigyan ng paunang lunas ang bata pero binawian din siya ng buhay.
Muling nagpaalala ang mga awtoridad na mag-ingat at maging alerto kapag naligo sa dagat.
No comments: