LASING LANG PALA? Babaeng inakalang patay, biglang bumangon at ngumiti—lasing lang pala
Nag-viral sa social media ang isang nakakagulat at mala-pelikula-sa-totoong-buhay na eksena matapos matagpuan ang isang babae na nakadapa at walang malay sa gilid ng creek sa isang lugar sa Pilipinas noong Lunes ng umaga, Hunyo 2, 2025.
Sa unang tingin, inakala ng nakakita sa kanya na isa na itong bangkay dahil sa posisyon niya—nakadapa, nilalanggam at nilalangaw pa. Dahil sa matinding takot, agad na tumawag ng rescue ang concerned citizen.
Ibinahagi ng netizen na si Ma Agnes Cajefe ang mga larawan sa Facebook, at doon nga ay makikita ang babaeng tila wala nang buhay. Pero sa ikinagulat ng lahat—mga rescuers, residente, at mismong nag-post—biglang bumangon ang babae at ngumiti. Ayon sa caption ni Cajefe: "hindi pala ito p@tay kundi lasíng lang."
No comments: