HULI SA AKTWAL? Buntis, dinakip dahil sa pagbebenta umano ng mga sensitibong larawan
Dinakip ng mga pulis ang isang buntis dahil sa pagbebenta umano ng mga sensitibong larawan at video sa Mabalacat, Pampanga. Kasama sa kaniyang mga biktima, ang mismong sariling anak na 3-anyos at dalagitang kapatid.
Inilalako umano ng buntis ang mga sensitibong larawan at video ng anak via online, kasama ng iba pang menor de edad.
“Ito 'yung mga nude pictures nilang mag-ina. Madalas niyang ibigay is ‘yung sariling anak,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Armelina Manalo, Chief ng PNP-WCPC Luzon Field Unit.
No comments: