Ang Bilis ng Takbo! Motorcycle rider, patay nang sumalpok sa tricycle sa Rizal



Nasawi ang isang 23-anyos na motorcycle rider matapos makabanggaan ang isang tricycle sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, sinabing tumambad sa mga residente ng Barangay San Luis ang duguang rider na nakahandusay sa kalsada pasado 9 a.m. ng Lunes.

Tinatahak noon ng biktima ang kahabaan ng Maguey Road sakay ng kaniyang motor nang bigla siyang sumalpok sa isang tricycle.

Batay sa salaysay ng isang saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo na paahon ng kalsada, samantalang kasalubong niya ang tricycle na palusong naman.

“Mabilis po. Tapos nag-wiggle… ‘Pag ganoon ng motor, umiwas ‘yung tricycle. Tapos parang nag-lock  ‘yung kadena ng single. ‘Yun, sumalpok,” sabi ni Abraham Mutas, saksi sa insidente.

“Matulin. Tapos nag-wiggle ‘yung gulong niya roon,” ayon naman sa tricycle driver.

No comments:

Powered by Blogger.