WALANG AWA? Mag-asawa pinagsasaksak ng mag-amang kapitbahay nila sa Iloilo City matapos Magka Alitan


Isang mag-asawa ang malubhang nasugatan matapos silang pagsasaksakin ng mag-amang kapitbahay nila sa Molo, Iloilo City. Ang ugat umano ng krimen, ang matagal na nilang alitan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinasok ng mag-amang suspek ang bahay ng mga biktima sa Barangay East Baluarte nitong Martes ng gabi.

Ang nakababatang suspek ang itinuturong nanasak sa mag-asawa, habang ang ama umano nito ang humawak sa mga biktima.

Tinitingnang motibo sa krimen ang dati nang alitan sa pagitan ng mga biktima at mga suspek, na kinumpirma naman ng barangay.

Nadakip na ng mga awtoridad ang nakatatandang suspek, na tumangging magbigay ng pahayag. Patuloy namang hinahanap ang kaniyang anak.


No comments:

Powered by Blogger.