NAGWALA? Kotseng ilang beses huminto at humarurot nakabangga ng mga sasakyan at mga tao
Tila nagwala ang isang kotse na nakabangga ng isang bahay, barangay hall, at ilang sasakyan, at maging ang nasa limang tao, bago tuluyang tumigil sa Noveleta, Cavite. Ang babaeng driver ng kotse, hinimatay pa.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang kotse na mabagal lang ang usad sa kalsada kaya nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko.
Ilang taga-barangay ang tinangkang katukin ang kotse sa pag-aalala na baka may nangyayari na sa driver.
Pero biglang lumihis ang kotse at mabilis na umarangkada at bumangga sa isang van sa kabilang lane.
Sandaling tumigil ang kotse, at saka mabilis na umatras at bumangga sa isang bahay. Sunod nito ay umarangkada muli ang kotse at bumangga harapan ng multi-purpose hall ng barangay.
Inararo rin ng kotse ang isa pang kotse, dalawang rider ng motorsiklo, at tatlong empleyado ng barangay.
No comments: