banner

TINAMBANGAN sa LABAS? Pulis patay sa pamamaril sa Sultan Kudarat mag-amang suspek naaresto sa South Cotabato



Patay ang isang pulis matapos siyang barilin habang naglalakad sa Isulan, Sultan Kudarat. Ang mag-amang suspek, naaresto sa hot pursuit operation sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon sa pulisya, naglalakad at pauwi na ang biktima na si Police Executive Master Sergeant Geoffrey Angub, nang abangan siya ng mag-amang suspek at pagbabarilin.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa mag-ama sa Polomolok, South Cotabato kung saan sila nagtago.

No comments:

Powered by Blogger.