INARARO LAHAT? Kuha sa Dashcam ang Mabilis na Pag Araro ng 18-wheeler sa limang sasakyan 3 patay 7 sugatan
Nasawi ang tatlong tao habang pito ang sugatan matapos araruhin ng 18-wheeler ang limang sasakyan sa Batasan-San Mateo Road sa Quezon City pasado alas onse y media kagabi.
Sa dashcam video, makikita ang pagsulpot ng isang truck na mabilis ang takbo sa palusong na bahagi ng kalsada.
Bigla na lang tumagilid ang container van nito at tumilapon.
Kabilang sa inararo ng truck ang isang kotse, isang AUV, at tatlong motorsiklo.
Natumba rin ang poste ng ilaw sa center island at bumagsak ang bubong ng waiting shed.
Dead on the spot ang 38-anyos na lalaki na naghihintay ng masasakyan sa waiting shed.
Ang isa pang nasawi ay hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
Isinugod naman sa ospital ang 49-anyos na lalaking nakaangkas sa motorsiklo pero idineklarang dead on arrival.
No comments: