REHAS ULIT? Dalawang dating magkakosa balik-kulungan matapos magnakaw umano ng scooter sa Maynila
Muling hihimas ng rehas ang dalawang dating magkakosa matapos silang mahuli-cam na may tangay na scooter sa Santa Cruz, Maynila. Depensa ng isa sa kanila, itinabi lamang niya ang susi ng scooter at wala siyang intensyong nakawin ito.
Mapanonood sa CCTV na tila nagkasabay lang sa kalsada ang isang scooter at isang tricycle sa bahagi ng M. Natividad Street Miyerkoles ng madaling araw.
Gayunman, magkasabwat pala ang dalawang driver sa pagnanakaw ng scooter.
Sinabi ng kagawad ng barangay na may lumapit sa kanilang isang lalaki nitong Miyerkoles ng hapon para magpa-review ng CCTV matapos nawala ang kaniyang scooter na ipinarada sa bahagi ng Felix Huertas.
No comments: