BINANGGA? Patay ang 2 binatilyo nang bumangga ang isang truck sa computer shop sa Negros Occidental



Dalawang binatilyo ang nasawi matapos na bumangga ang isang truck sa kinaroroonan nilang computer shop sa Murcia, Negros Occidental.

Sinabing naipit sa loob ng shop ang 16-anyos na biktima, habang tumilapon naman ang isa pang biktima na 14-anyos.

Ayon sa pulisya, sinabi ng driver ng truck na paliko siya sa kurbadang bahagi ng kalsada nang nawalan ng preno ang sasakyan at bumangga sa computer shop.

Nakulong na ang driver ng truck na hindi na nagbigay ng pahayag.

Samantalang hindi pa makapagdesisyon ang mga kaanak ng biktima kung magsasampa sila ng reklamo laban sa driver.

No comments:

Powered by Blogger.