NAKUNAN SA VIDEO? Pamilyang naligo sa ilog na nabagsakan ng mga bato sa Palawan Nilabas ang Full Video!


Nauwi sa disgrasya ang masayang outing ng mga magkakaanak sa Brooke's Point, Palawan nang sa kalagitnaan ng masaya nilang picture taking sa ilog, nalaglagan sila ng mga malalaking bato mula sa gilid ng bundok.

Matapos maligo sa ilog na malapit sa Tamlang Dam ang ilang miyembro ng pamilya Racmanon, naisipan nilang puwesto sa batuhan sa gilid ng bundok para magpakuha ng larawan.

Isang kaanak na kukuha ng larawan ang nakakita sa pagbagsak ng bato mula sa itaas ng bundok, at napasigaw para ialerto ang kaniyang mga kasama na nasa ibaba. Pero nagsunod-sunod na ang pagbagsak ng iba pang mas malalaking bato.

Kaya ang mga biktima, napatalon na sa tubig kasama ang mga nagbagsakang mga bato. Ang ilan sa kanila, tinamaan ng bato na nagresulta para masugatan sila o mabalian ng buto.


No comments:

Powered by Blogger.