Nagkabarilan! 3 patay, 2 sugatan sa engkuwentro sa Basilan dahil sa initan sa halalan
Tatlo ang nasawi, at dalawa ang sugatan sa naganap ng engkuwentro sa Hadji Muhtamad, Basilan na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng partido pulitikal nitong Lunes ng umaga.
Ayon sa Basilan Police Provincial Office, sangkot sa nangyaring engkuwento ang ilang pulis, armadong grupo, at convoy ng mayoralty aspirant na si Jamar Mansul, kaninang 1 a.m., batay sa ulat ni JP Soriano ng GMA Integrated News.
Nagsasagawa umano ng maritime patrol ang mga pulis nang makita nila ang isang motorized pump boat na may sakay na walong tao.
Tinangka ng mga pulis na sitahin ang mga nasa bangka pero hindi sila kaya hinabol sila ng mga awtoridad na nauwi na sa engkuwentro.
No comments: