TINAGA NI MISTER? Babae, malubhang nasugatan matapos paulit-ulit na tagain ng live-in partner sa Cauayan City
Malubhang nasugatan ang isang babae matapos pagtatagain ng kanyang live-in partner sa isang insidente ng karahasan sa loob ng kanilang bahay sa Purok 4, Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela noong April 3, 2026.
Kinilala ang biktima na si ‘Marie’—hindi niya tunay na pangalan, 36-anyos, habang ang suspek ay si ‘Santos’, laborer, 48-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman umano ang dalawa sa loob ng kanilang bahay bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Ayon sa ulat, nakapagsalita ng masasakit na salita ang biktima laban sa mga magulang ng suspek na naging dahilan ng komprontasyon.
Sa gitna ng alitan, kumuha umano ng karit ang biktima at tinangkang sugurin ang suspek. Sinubukan pa umano siyang pakalmahin ng suspek ngunit hindi ito nagtagumpay.


No comments: