banner

SINIKSIK SA HIWA? Babaeng nagtago umano ng shabu sa pribadong parte ng katawan para ipuslit sa CDO jail, timbog



Arestado ang isang 34-anyos na babae matapos umanong mahulihan ng ilegal na droga habang bibisita sa kaniyang nakakulong na asawa sa Cagayan de Oro City noong Sabado ng umaga, Abril 18, 2026.

Ayon sa mga awtoridad, nagpunta ang babae sa male dormitory ng Cagayan de Oro City Jail sa Barangay Lumbia upang dalawin ang kaniyang asawa.

Gayunman, sa isinagawang inspeksyon ng mga jail personnel, napansin umano ang kahina-hinalang indikasyon sa maselang bahagi ng katawan ng bisita. Dahil dito, sumailalim siya sa mas masusing pagsusuri.

Ayon pa sa pulisya, pumayag ang babae na sumailalim sa strip search kung saan natuklasan ang hinihinalang shabu.

Tinatayang nasa 12 gramo ng ilegal na droga ang nakumpiska, na may halagang humigit-kumulang ₱82,000. 

No comments:

Powered by Blogger.