banner

NINAKAWAN SI BOSS? Lalaking umaaray sa sahod, pinagnakawan kita ng tindahang pinagtatrabahuhan



Nasakote ang isang part-time worker matapos umano nitong nakawin ang kinitang pera mula sa isang sari-sari store sa Talisay City, Cebu, ayon sa ulat ng pulisya noong Sabado, Abril 4, 2026.

Batay sa imbestigasyon ng Talisay City Police, isinagawa umano ng 52-anyos na suspek ang pagnanakaw habang wala ang 72-anyos na may-ari ng tindahan na nakipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan. 

Nang makabalik ang may-ari pasado hatinggabi, nadiskubre nitong wasak na ang kandado ng tindahan at nawawala na ang kinita nitong pera na nagkakahalaga ng ₱157,000.

Lumabas din sa imbestigasyon na bago ang insidente, ipinahayag umano ng suspek sa kapuwa manggagawa ang kaniyang pagkadismaya sa maliit na sahod. 

Ang suspek ay part-time worker sa tindahan at nagtatrabaho rin bilang driver sa isang construction company na matatagpuan malapit dito.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at natunton ang suspek sa construction company kung saan siya nagtatrabaho. Narekober mula sa kaniya ang kabuuang halagang ninakaw mula sa tindahan.

Kasalukuyan nang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek kaugnay ng insidente.

Samantala, nagpaalala ang Talisay City Police na tiyaking ligtas at hindi naiiwang walang bantay ang kanilang mga tahanan upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente ng pagnanakaw.

No comments:

Powered by Blogger.