NABARIL ANG SARILI? Kawatang magpapaputok sana ng baril, todas matapos mabaril sarili
Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos niyang mabaril ang sarili niya sa gitna ng komprontasyon sa mga barangay tanod sa Santa Maria, Bulacan noong Abril 17, 2026.
Ayon sa mga ulat, nagsimula ang insidente nang humingi ng tulong sa mga tanod ang dalawang tao matapos tangkaing holdapin ng suspek at kasama nito sa Sitio Gitna, Barangay Balasing.
Habang kinakausap ng mga tanod ang mga biktima, bigla umanong napadaan ang mga suspek at positibo namang tinukoy ng mga biktima.
Sinubukan silang arestuhin ng mga awtoridad, ngunit bumunot ng baril ang back rider at itinutok ito sa mga rumespondeng tanod.


No comments: