WASAK ANG KATAWAN? 9-anyos na estudyante na tumatawid sa pedestrial lane, nabundol ng van sa Aklan
Malubhang nasugatan ang isang babaeng Grade 3 student matapos siyang mabundol at pumailalim sa isang van habang tumatawid sa pedestrian lane sa Kalibo, Aklan.
Kaagad na dinala sa pagamutan ang biktima at stable na umano ang kalagayan.Naaresto naman ang driver ng van na mahaharap sa kaukulang reklamo.
Pinadalhan din siya ng Land Transportation Office ng show cause order para pagpaliwanagin sa nangyaring insidente.
Ayon kay Police Lieutenant Daruis Padilla, Investigation Officer ng Kalibo Police, dapat nagmenor o nagbagal na sa takbo ang driver ng van dahil mayroong pedestrian lane sa lugar. –


No comments: