banner

SINAKSA DAHIL SA SELOS? Dating kagawad na seloso, patay matapos pagsasaksakin ng customer ng jowa niya; biktima, todas



Patay ang isang 60-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa loob ng isang KTV bar sa Barangay 78, Caloocan City.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si alyas “Nestor,” isang contractor engineer at dating barangay kagawad.

Batay sa paunang imbestigasyon, nasa loob ng KTV bar ang biktima at kumakanta habang nakikipag-usap sa isang waitress nang dumating ang suspek, na umano’y live-in partner ng naturang empleyado.

Lumapit ang suspek at sinuntok ang waitress bago umano bumunot ng kutsilyo at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktimang senior citizen.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek.

No comments:

Powered by Blogger.