banner

PWERSAHANG GINALAW? 8-anyos na babae, pinuwersang manood ng malaswang video at saka ginawan ng kahalayan



Isang walong taong gulang na batang babae ang nabiktima ng lascivious act ng isang lalaki sa Bayawan City, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng Bayawan City Police Station, sapilitang pinasama ng 30 taong gulang na suspek ang paslit na biktima sa isang fishport.

Doon umano pinuwersa ng suspek na manood ng pornographic materials ang biktima at saka niya ito ginawan ng kahalayan.

“Initial investigation revealed that the suspect allegedly forced the victim to watch a pornographic video and committed lascivious acts against her. The victim managed to escape and immediately reported the incident,” anang report ng pulisya.

Sa kabila nito, nagawang makatakbo at makatakas ng biktima mula sa suspek kung saan siya kaagad nakahingi ng tulong.

No comments:

Powered by Blogger.