banner

KILALA NA? Mayor Isko Moreno, may alok sa rider na kasamang pumatay sa dati niyang security aide para sumuko



Nag-alok ng P500,000 si Manila mayor Isko Moreno kapalit ng pagsuko ng rider ng motorsiklo na kasama ng suspek na bumaril at pumatay sa dating security aide ng alkalde noong Linggo.

Sa kaniyang Facebook account, ipinaalam ni Moreno ang kaniyang alok sa rider, at maging sa mga kamag-anak nito upang sumuko at tumulong para mahuli ang iba pa niyang kasamahan sa ginawang pagbaril at pagpatay sa biktimang si George Capistrano, na dating pulis.

Pauwi na si Capistrano sakay ng kaniyang motorsiklo sa Barangay 134 sa Balut, Tondo, nang harangin siya ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo.

No comments:

Powered by Blogger.