TINAMAAN SA ULO? Suspek sa panghoholdap, patay nang makipagbarilan umano sa mga pulis, ang kasama niya, arestado
Nasawi ang isa sa dalawang suspek sa panghoholdap matapos nilang makasagupa ang pulisya sa Bongabon, Nueva Ecija. Ang isa, naaresto.
Namataan sa police checkpoint ang dalawang holdaper na nakasakay sa motorsiklo at sumibat nang mapansin nila ang mga awtoridad.
Habang hinahabol sila ng mga pulis, nagpaputok umano ng baril ang mga suspek at tinamaan sa hita ang isang pulis.
Dahil dito, gumanti na putok ang mga pulis, na ikinasawi ng isang suspek.


No comments: