banner

SUNOG ANG KATAWAN? Lalaking nanungkit ng bunga ng mangga, patay nang makuryente sa Bantay, Ilocos Sur



Nauwi sa disgrasya ang panunungkit ng bunga ng mangga ng isang lalaki matapos siyang makuryente sa Barangay Naguiddayan sa Bantay, Ilocos Sur.

Sa kasamaang-palad, aksidenteng nasagi ng lalaki ang high tension wire kaya siya nakuryente.

Naitakbo pa ang lalaki sa ospital pero hindi na siya umabot ng buhay.

Tubong Pangaisnan ang biktima, at nagtatrabaho bilang helper sa isang pagawaan sa nasabing lugar sa Ilocos.

No comments:

Powered by Blogger.