banner

SINAKSAK NG KAPITBAHAY? Babae, patay matapos tagain ng kapitbahay sa Aloguinsan, Cebu



Nasawi ang isang 39-anyos na babae sa Aloguinsan, Cebu matapos siyang tagain ng kaniyang kapitbahay habang kinukunan ng biktima ng larawan ang mga bahay sa lugar para maidokumento ang gagawing paghingi ng tulong matapos silang salantahin ng bagyo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, kinukunan ng biktima ng larawan ang mga bahay sa lugar para idokumento para sa pagproseso ng tulong sa mga biktima ng bagyong Tino.

Ilang saglit pa, dumating ang suspek at tinanong kung nasaan ang kaniyang ina. Pero nang sumagot ang biktima na hindi niya, inundayan na siya ng taga ng suspek.

No comments:

Powered by Blogger.