PINUTULAN NG KAMAY? Mag-inang chismosa, pinutulan ng kamay at tinaga sa ulo ng lalaking pinagchichismisan umano nila
Tinaga at muntikan pang masunog ang bahay ng mag-ina sa General Santos City matapos silang atakihin ng lalaking pinagchichismisan umano nila.
Ayon sa mga ulat, nagpapahinga raw noon ang mga biktimang sina Merriam Endal Kalamag, 45 taong gulang at anak niyang si Moisher Kalamas, 19-anyos sa loob ng kanilang tahanan nang makarinig sila ng ingay mula sa suspek.
Tinangka umanong sunugin ng suspek ang bahay ng mga biktima, ngunit agad silang nakalabas at nakahingi ng tulong. Mabilis namang naapula ng mga residente ang sunog.
Habang nakatayo sa may tindahan ang mga biktima, doon na raw sila muling inatake ng suspek gamit ang itak. Unang tinamaan sa ulong bahagi ang binatang biktima ngunit mabilis siyang nakatakbo upang humingi ng tulong.


No comments: