NIRAPE AT PINATAY? Kolehiyang graduating na, natagpuang patay sa isang kuwarto ng boarding house sa CDO
Patay na nang matagpuan ang isang 21-anyos na babaeng graduating college student sa loob ng isa sa mga kuwarto sa tinutuluyan niyang boarding house sa Barangay 7, Cagayan de Oro City.
Nang buksan ang kuwarto, tumambad ang bangkay ng isang babae na nagsisimula nang maagnas.
Ayon kay Police Station 1 Divisoria Commander, Police Major Byron-John Ratunil, dakong 6:15 pm noong Pebrero 19 nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa masangsang na amoy sa boarding house.
Sinabi pa ng opisyal na may nakaharang pa sa kuwarto nang tangkain nila itong buksan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, isang male employee ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) ang nagrerenta sa Room 1.
Huling nagpakita umano sa trabaho ang naturang empleyado noong February 17, 2026, at ikinukonsidera na siyang person of interest sa kaso.
Samantala, sa Room No. 12 naman umuupa ang biktima na inireport na nawawala, dalawang araw bago nakita ang kaniyang bangkay.
Ayon kay Ratunil, batay sa salaysay ng ibang boarders, may nadinig sila malakas na kalabog noong 6:30 am ng Feb. 17 mula sa Room No. 1 pero hindi nila pinansil.
Huling may nakakitang buhay sa biktima sa naturang araw din dakong 6:00 a.m.


No comments: