NAGKABALI BALI AT DUROG? 9, patay nang mahulog ang isang dump truck sa bangin sa Bayawan, Negros Oriental
Siyam na tao ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang isang mini dump truck sa Bayawan, Negros Oriental nitong Miyerkoles ng umaga.
Ayon kay Negros Oriental Police Provincial Office director Police Colonel Timmar Alam, pabalik na sa city proper ang LGU-operated dump truck nang mawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan at mahulog sa bangin sa Purok 4, Barangay Kalamtukan.
“Pagkagaling po ng isang dump truck operated by the LGU ng Bayawan City, pabalik na sana sila ng city proper. Pagdating sa Purok 4, Barangay Kalamtukan, isang mountainous area ng Bayawan City, nag-overshoot po at nahulog sa bangin,” sabi ni Alam sa mga mamamahayag.


No comments: