banner

NADUROG ANG KATAWAN? Lalaking nagtangkang tumakas sa mga awtoridad, patay nang masagasaan ng bus



Patay ang isang lalaki na dadalhin sana ng mga awtoridad sa Camp Crame matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Domestic Road, Pasay City.

Ayon sa mga operatiba ng Highway Patrol Group (HPG), nakatakda sanang i-turnover ang lalaki nang bigla umano itong tumakbo at nagtangkang tumakas kahit nakaposas.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na may warrant of arrest ang nasabing indibidwal na inilabas ng Regional Trial Court Branch 16 ng Zamboanga City.

Sa gitna ng pagtakas, dumaan ang isang pampasaherong bus at nasagasaan ang lalaki na agad nitong ikinamatay.

No comments:

Powered by Blogger.