banner

NABALI ANG KATAWAN? Lalaking patawid, sugatan nang masalpok ng motorsiklo sa Maynila



Sugatan ang isang lalaki matapos masalpok ng isang motorsiklo habang tumatawid sa Abad Santos Avenue sa Maynila pasado alas onse nitong Lunes ng gabi, Feb. 23, 2026.

Ayon sa pamunuan ng barangay, hindi malinaw kung naka “Go” ang stoplight pero parehong may pagkakamali ang rider at biktima.

Tumagal ng 15 minuto bago dumating ang ambulansya na nagbigay ng paunang lunas sa rider at biktima.

Wala raw kasing rumespondeng mga medical personnel kahit sa tapat lang mismo ng isang ospital naganap ang aksidente.

Sabi pa ng barangay, hindi ito ang unang beses na may naganap na aksidente sa lugar at hindi rumesponde ang kaparehong ospital.

No comments:

Powered by Blogger.