NABALI ANG KATAWAN? Batang tumawid sa kalsada na kasama ang ina, nasalpok ng motorsiklo sa Pangasinan
Sugatan ang isang bata matapos siyang masalpok ng isang humaharurot na motorsiklo habang tumatawid kasama ang ina sa Mangaldan, Pangasinan. Ang rider, sugatan din.
Magkakasabay na tumawid ang mag-iina at halos nasa kabilang bahagi na sila ng kalsada nang biglang sumulpot ang motorsiklo at nahagip ang isa dalawang bata.
Tumilapon ang bata at maging ang rider.
Rumesponde naman kaagad ang mga opisyal ng barangay para tulungan ang mga sugatan at madala sa ospital.
Hindi na inihayag sa ulat kung ano ang naging kalagayan ng dalawa.


No comments: