banner

DUROG ANG MGA KATAWAN? Rider at kaniyang apo, patay matapos silang mahagip ng truck sa CDO



Nasawi ang isang 55-anyos na rider at 11-anyos niyang apo matapos na mahagip ng isang trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa pulisya, may isa pang motorsiklo na umano’y nagmenor sa intersection ang nabangga ng motorsiklo ng mga biktima.

Dahil dito, napunta sa kabilang linya ang motorsiklo ng mga biktima kung saan ito nabangga at nasagasaan naman ng trailer truck, ayon kay Master Sergeant Charles Lee Ebueza, imbestigador ng Traffic Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police.

No comments:

Powered by Blogger.