banner

BINARIL SA ULO HABANG KUMAKAIN? Lalaking bumibili ng soft drink sa tindahan, patay sa pamamaril sa GenSan



Binaril at napatay ang isang lalaki habang bumibili ng soft drink sa isang tindahan sa General Santos City nitong Huwebes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagulat na lang umano ang may-ari ng tindahan nang makarinig ng dalawang putok ng baril. Nang tingnan kung saan galing ang putok, nakila na lang niya ang biktima na duguan na.

Isinugod umano ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Dalawang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril ang nakita ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen.

No comments:

Powered by Blogger.