BINARIL NG SHOTGUN NG AMO? Sekyu na nag-amok dahil hindi pinagbigyan mag-day off, binaril ng bosing
Sugatan ang isang security guard matapos siyang mag-amok umano at barilin nang patulan siya ng kaniyang officer in charge (OIC) sa Sto. Tomas City, Batangas.
Sinasabing kumuha pa raw ng bolo ang biktima at makailang beses na hinamon ang suspek na patulan siya, ngunit binalewala lang daw ito ng suspek at pilit na lang siyang pinauwi ng iba pang kasamahan.
Nagawa naman daw paalisin ng ilang saksi ang biktima ngunit makailang sandali pa ay mainit pa rin daw itong bumalik at saka pinagbabato ang suspek na siyang dahilan upang paputukan siya nito ng service firearm na shotgun.
Samantala, mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima habang naaresto na ng mga awtoridad ang suspek kung saan narekober sa kaniya ang shotgun na ginamit niya sa pamamaril.


No comments: