banner

BINARIL ANG DRIVER AT PASAHERO? Tricycle driver patay sa pamamaril, pasahero niyang nurse na babae na nadamay, patay din



Patay ang isang tricycle driver, at pasahero niyang babaeng nurse na 24-anyos matapos silang pagbabarilin ng riding in tandem sa General Santos City.

Ayon sa pulisya, pumapasada ang 32-anyos na tricycle driver at may apat na pasahero nang mangyari ang pamamaril sa Aparente Street.

Nakakuha umano ng tiyempo ang mga salarin na paputukan ang mga biktima nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic light.

Ayon kay Police Station 4 Commander Police Major Ivan Charles Abastillas, unang tinamaan ang tricycle driver, at tinamaan naman sa pangalawang putok ang nurse na mula sa Sultan Kudarat.

Dinala ang dalawang biktima sa ospital pero idineklara silang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa asawa ng driver, bago ang insidente, sinabi sa kaniya ng kaibigan ng kaniyang mister na may naghahanap sa kaniyang asawa.

No comments:

Powered by Blogger.