BALI BALI ANG KATAWAN? Estudyanteng tumalon mula LRT-1, nagulungan pa ng sasakyan sa binagsakang kalsada
Isang estudyante ang tumalon mula sa mataas na bahagi ng Fernando Poe Jr. Avenue Station ng LRT-1 sa kanto ng Muñoz, nitong Miyerkules, Pebrero 11, 2026.
Sa paunang imbestigasyon ng mga guwardiya ng LRT, bago pa man dumating ang pulisya, nakilala ang biktima bilang mag-aaral ng Philippine Christian University (PCU) batay sa nakuhang identification card.
Tinatayang nasa tatlong palapag ang tinalon ng biktima mula sa nasabing estasyon. Isang dashcam video rin ang kumalat sa social media kung saan mapapanood ang pagbagsak ng biktima at nasapul ng dumaraang sasakyan.
Batay sa tauhan ng Metropolitan Manila Devopment Authority (MMDA), nakaladkad umano ng naturang sasakyan ang katawan nito mula sa pinaniniwalaang pinagbagsakan sa northbound lane ng EDSA patungong Balintawak at Monumento.


No comments: