banner

WASAK NA WASAK! Babaeng rider, nasawi matapos na mabangga ng truck ang minamaneho niyang motorsiklo



Nasawi ang isang babaeng rider, habang malubhang nasugatan ang kaniyang angkas matapos na mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Zamboanga City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing tinatahak ng motorsiklo at wing van truck ang parehong direksyon.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng truck kaya binusinahan nito ang motorsiklo ng mga biktima na nauuna sa kanila. Pero sa halip na tumabi o lumayo, nagbagal umano ito kaya nabangga ng truck.

Para tumigil ang truck, iginilid ito ng driver at bumangga sa puno.

No comments:

Powered by Blogger.